MBA
Nanaginip ako… nag-aaral daw ako ulit.
Pagdating ko sa ofc, agad akong nag message ke Rona and asked again if she’s into na.
Hindi pa daw.
Hirap din sia mag decide because of the money factor.
I told her, will visit her tomorrow.
To inquire and check out the assesment.
Siguro kahit max of 9 units lang per term ay di na mabigat.
hmmmm…
2005 company outing
May 20-21 – Island Cove, Binakayan Cavite
we had a blast at ang pinaka da best is… 100% free.

Rewind
May 1 – Munting Buhangin, Nasugbu Batangas.
Mama ko at sister ko pasimuno nito =) from our house at Novaliches dumayo pa sila sa Batangas at ni walang plano kung sang beach sa Batangas pupunta ha. Worried nga ako dahil alam kong magagalit ang asawa ko pag nalaman na wala pang eksaktong lugar na pupuntahan, hindi sia sanay sa adventures hehehe. Buti na lang maaga kaming nakarating sa Batangas at halos ala pang tao sa Munting Buhangin.
Maganda naman ang lugar at beach front ang mga parazol at affordable sia sa 750 pesos. Kumpleto kami ng baon at nag ihaw kami ng liempo. Presko ang hangin kaso indi kami gaano naka swim dahil ang daming jelly fish. Nakita rin namin si Ruby at Tolits heheh nag pro-promote ng Tang Ice tea sa beach.
by 4pm, we headed back and embarked to another adventure. Susme! ang traffic sa tagaytay at limang oras bago kami nakauwi. Kawawa nga ang baby pangkin ko… buti na lang at di nagkasakit siado excited ang mama at lola nia sa outing eh.
Wala akong pictures dahil nung binalik ng kapatid ko yung camera eh burado na ang laman.
May 15 – White Beach Puerto Galera, Mindoro
Biglang nagkayayaan ang Team mates ng asawa ko sa ofc nila. Daytrip sa Galera. Aba di payag kagad ako kasi nga di pako nakakapunta dun. Sabi nila pag nakapunta kana sa Boracay di kana magagandahan sa Galera. Pero whatdaheck! lakwatsa pa rin yun hehehe.
Meting place sa Oakwood @ 4am, nagdala kami ng sasakyan hanggang Batangas pier. Tapos nki park lang sa bahay ng Tita ng isa sa kasama nmin.
Nakaabot kami sa 6:45 am boat ride sched to white beach @ 150 per pax. pero nakaalis kami from pier ng 7 am na then 8 am nasa white beach na kami. Pagka tapak namin sa white beach nagpa reserved na kami ng boat ride pabalik at considering na sunday yun as expected, puno na ang last trip @ 3:45 pm. Buti na lang nakahabol kami sa 4pm special trip at 200 per pax.
Tapos sakto kasi… si Ayen yung bf nia eh andun at me company outing so naki gamit kami ng room para itago mga valuables namin at makikigamit din kami ng cr. Pero para di kahiya sa kasama ng bf ni Ayen nagbigay kmi 100 pesos each heheheh.
After namin maitago ang valuables, ayun libot ng kami sa beach and decided to try the banana boat @150 per pax. (mura dito kesa sa boracay)kinakabahan nga ako kasi me mga nai-injured daw dito. Pero lahat pala kmi first timer. Ayun bahala na si batman. @ 12nn na kami na sched dahil ang haba pala ng pila. So we decided to have lunch muna. Nakahanap kami ng resto na kasya kaming pito and ordered sinigang, inihaw na liempo at pusit at ang masarap pa eh libre ni Ayen hehehe. nalagas din ang 1k nia kasama na drinks.
Ang sarap mag banana boat grabe! nung unang taob at tilapon nmin sa tubig eh nag panic kami indi kasi namin alam gagawin ng lulutang-lutang sa gitna ng dagat, buti na lang sumigaw si Ayen ng budi-budi hehhe yakap kagad ako sa asawa ko. At ang mahirap na part sa banana boat eh yung umakyat pabalik sa pwesto ..hay naku ubos ang powers namin at sobrang na stretched ung neck at arm muscle nmin. After ng dalawang taob eh sinisigawan na namin yung driver ng speed boat na humihila samin..ayaw na naming tumaob manong! pagod na kami. buti na lang mabait si Manong heheheh. ang hirap pala mag banana boat ng busog hehheeh.
After ng nakakapagod na banana boat, nakasalubong kmi ng nag aalok ng massage @ 200 per pax and decided na timing to sa sumasakit namin leeg at braso. Humanap kaming 7 ng malilim na pwesto at sabay sabay kaming nagpamasahe.
After the massage, time for shopping heheh nag ikot kami sa mga souvenir shops, kain ng grilled hotdog and halo-halo. Presyong divisoria ang mga souvenir shops. distilled water naman is @40 pesos each.
By 3pm, nagbanlaw na kami, get our things and ready for the boat ride pabalik ng pier. Asus nagulat kami ang liit lang pala ng bangka ng special trip at sobrang alon… nakakatakot. inabot kami ng 1 hr and 40 mins sa biyahe. Ayun pagdating sa pier feeling namin umaalon pa rin….then we headed back to Manila at buti na lang di gaano traffic sa SLEX.
pictures here.
beach vacay
watch out for my beach/summer vacation kwento.
May 1 – day trip @ Munting Buhangin, Nasugbu Batangas
May 15 – day trip @ White Beach Puerto Galera, Mindoro
May 20 – overnyt trip @ Island Cove, Cavite
Big time summer lovin’ !!!!
05/05/05
ano kaya dalang swerte ng date ngayon hehehe matayaan nga sa lotto or sa j****. hehehe
Kagabi sinabi ko ke bernard na nagbago venue ng company outing nmin.
b: owws nalipat na sa Island Cove outing nio?
r: oo, sama ka pa ba?
b: overnight ba?
r: oo, ano sama ka or ayaw mo?
b: pag di bako sumama mag o-overnight ka ba?
r: oo bakit naman hindi.
b: (sumama tingin ke r)
r: (nakita ang pagsama ng tingin ni b) ayyy… oo nga pala… me asawa nako! di na pala pde mag overnight ng di ka kasama.
r: sensia na nakalimutan ko na di na pala ako dalaga (sabay yakap ke b).